Ni: Fer Taboy

Tatlo ang nasawi habang isa ang nawawala sa pananalasa ng baha sa Zamboanga City.

Dahil dito, nananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lungsod.

Dumadanas ng matinding baha ang siyudad bunsod ng storm surge, na dulot ng pag-uulan sa nakalipas na mga araw.

Sa datos ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), umaabot sa 2,448 pamilya o 12,240 indibiduwal ang apektado ng pagbaha, at nailikas na.

Probinsya

Higit 71k food packs, naipamahagi na sa mga apektado ng Mayon ashfall—DSWD

Sinabi ng CDRRMO na umabot na sa dalawang barangay sa lungsod ang naapektuhan ng storm surge at mga pagbaha.