Ni: Noel Ferrer

“BERNARD please help na mahilot Tita Cory... kawawa naman si Xander para na lang sa family. - Vince here.”

Ito ang message ng tumatayong manager daw ni Xander Ford sa nag-i-agent sa kanya sa commercials at maging sa ABS-CBN at maging sa Star Cinema na si Bernard Cloma.

Mukhang tama ang naisulat na rito sa ating pahayagan na pinaliit na ni Xander Ford ang mundo niya sa mundo ng show business na gusto pa naman niyang kabilangan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil sa naging asal niya , hindi lang sa nag-viral na pinagsasabi niya tungkol kay Kathryn Bernardo, meron pa siyang instances ng pagsusungit astang maangas sa guard ng Dos -- kaya hindi na tayo magtataka kung hindi na palawigin pa ang visibility niya dahil hindi siya nagiging magandang halimbawa sa talents at audiences.

Sa katunayan, may balitang hindi na nga rin ipapalabas ang nai-tape nang episode at interview ni Xander Ford sa Gandang Gabi Vice na pinagsabihan siya ni Vice kung paano dapat makitungo nang maayos ang mga papasok sa industriya.

Maaaring magpaawa si Xander Ford at ang mga taong nakapaligid sa kanya, pero hindi “hilot” ang kailangan nila, kailangang umayos sila at sagutin ang napaka-basic na tanong – Bakit nga ba nasa showbiz si Xander Ford?

Ang tanong na ito ay hindi lamang para sa mismong tao na dating “Marlou” kundi para rin sa mga nakapaligid at nag-propagate at sumuporta sa kanya – at pati na rin sa audiences na naaliw sa kanya, pero nababaliw na ngayon.