Ni: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac – Pinasok ng kilabot na Bolt Cutter gang ang Amacalan Elementary School sa Gerona, Tarlac, nitong Linggo ng umaga.

Sa report ni SPO3 Ernesto Campo, Jr., natangay ng mga kawatan ang isang Dell computer monitor na aabot sa P7,000 ang halaga, isang CPU na nasa P12,000, computer keyboard na P350, at HP Deskjet computer printer na nagkakahalaga ng P7,500.

Napag-alaman na sinira ng mga kawatan ang padlock sa main gate ng paaralan at direkta silang pumasok sa principal's ofice at tinangay ang mga nasabing computer units at accessories.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog