TUMATAG ang kampanya ng National University para sa ikaapat na sunod na kampeonato nang gapiin ang University of the Philippines, 3-1, sa UAAP Season 80 men’s badminton tournament.

Naitala ng Bulldogs ang ika-34 sunod na panalo mula noong 2014 at target na mapantayan ang Fighting Maroons na may pinakamaraming titulo sa sports sa lima.

Nakatakda ang Game Two ngayon ganap na 8:00 ng umaga sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ginapi ni JM Bernardo si Mike Minuluan 21-16, 21-16, sa opening singles para ipantay ang serye sa 1-1 matapos magwagi si Alvin Morada kay Vinci Manuel, 21-12, 21-16, sa second singles.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Nakuha ng Bulldogs ang bentahe nang mangibabaw ang tambalan nina Morada at Alem Palmares kontra CK Clemente at JM Bernardo, 16-21, 21-16, 21-12, sa first doubles.

Namayani sina Christian Cuyno at Mike Minuluan kontra Betong Pineda at Paul Gonzales, 21-15, 21-19, sa second doubles.