Ni: Reggee Bonoan

HINDI iyakin si Enrique Gil, pero inamin niya sa presscon ng Seven Sundays nitong Linggo sa Restaurant 9501na habang sinu-shoot nila ang pelikula kasama sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Dingdong Dantes at Ronaldo Valdez sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, naramdaman na lang ng aktor na umiiyak siya sa eksena nang nalaman nilang gumaganap na magkakapatid na mamamatay na ang tatay nila (Ronaldo) dahil sa cancer.

“Hindi ako iyakin, even my dad passed away, I don’t know. Kahit sa workshop, inaano ako ng, ‘is there something wrong with you?’ Kasi sinasabi talaga na hindi ako nakakaiyak talaga.

“Basta, may direktor na nagsabing, ‘there’s something wrong with you,’ hindi ko alam kung bakit. But for some reason during the eulogy, umiyak ako. Kasi napa-close kami kay Tito Ron (Ronaldo), ‘tapos ‘yung eulogy sa lamay, sabi ko, I can’t do it, and then naalala ko ang dad ko. After how many years, umiyak ulit ako. So, it’s a weird feeling, but that’s just scene umiyak ako talaga.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Basta tumama na lang sa akin, I don’t know, sa libing nga (ng kanyang ama), hindi ako umiyak, eh, bakit dito pa after how many years, but it’s really something good came.”

Namatay ang daddy ni Enrique sa sakit na cancer noong 2008.

Ang mga alaala ni Quen sa tatay niya ay kapag inihahatid-sundo siya sa eskuwelahan na naasiwa siya dahil ang laki-laki na niya pero inihahatid-sundo pa siya ng tatay niya.

Huli na nang maisip niya na ginagawa iyon ng daddy niya para maiparamdam ang pagmamahal nito sa kanya, dahil nga maaaring hindi na magtagal ang pagsasama nila.

Kaya kapag nagkapamilya na raw ang aktor, ipararamdam din niya iyon sa magiging mga anak niya.

“’Yun ang gusto kong maramdaman ng mga anak ko ‘pag nagkapamilya ako. ‘Yung maging proud ako sa lahat ng ginagawa sa akin ng daddy ko. Ihatid man ako sa school, kahit binata na ako, or ipakita sa maraming tao ‘yung affection, proud ako.”

Palagay namin napakahalaga ng mga mensaheng ihahatid ng pelikula sa kabataan. Sa mga buhay pa ang magulang, ipakita ninyo ang inyong pagmamahal at appreciation sa kanilang pagsisikap dahil hindi ninyo alam kung hanggang kailan na lang sila sa mundo.