Ni: Edwin Rollon

NAKATUON ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagpapalakas ng grassroots sports, gayundin sa realidad na malagpasan ng Team Philippines ang isang gintong medalya na napagwagihan sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, itotodo ng pamahalaan ang suporta sa piling atleta mula sa lima hanggang 10 sports na may malaking kapasidad na magwagi sa quadrennial meet na nakatakda sa susunod na taon sa Jakarta, Indonesia.

“Right now, focus kami sa at least anim na sports – weightlifting, athletics, sailing, taekwondo, boxing at judo.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Susuportahan natin ang training ni Hidilyn (Diaz) at ng judokas na sina Kiyomi at isa pang Fil-Japanese,” pahayag ni Ramirez.

“We scheduled one-on-one meeting with president of the difference NSA. Dito tatanungin namin sila kung hanggang saan ang makakaya nila para sa bayan. Kung may kongreto silang porgrama, tulungan natin,” sambit ni Ramirez.

Ngunit, kung pagbabasehan ang performance ng mga atletang Pinoy sa nakalipas na SEA Games at AIMAG, tiwala si Ramirez na malalagpasan ng Team Philippines ang isang ginto, tatlong silver at 11 bronze na napagwagihan ng Pinoy sa nakalipas na Asiad.

“Target natin more than one gold sa Asian Games. Andyan ang ating mga sprinters, boxers, si Kiyomi at si Hidilyn.

Madadagdagan pa yan sure kami,’ aniya.

Sa 2014 Asiad, tanging si BMX rider Daniel Caluag ang naguwi ng gintong medalya.