Ni: Mary Ann Santiago

Sugatan sa pagwawala at panggugulo ang isang lasing na lalaki nang pagsasaksakin ng may-ari ng motorsiklong kanyang nahampas sa Barangay Marikina Heights sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Under observation sa Amang Rodriguez Medical Center si Joselito Tablizo, nasa hustong gulang, dahil sa mga saksak ng kutsilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman at nakadetine sa Marikina City Police Station si Rey Alvin Dela Cruz, na residente rin sa nasabing lugar.

Base sa ulat, naganap ang pananaksak sa Apitong Street, sa Bgy. Marikina Heights, dakong 10:00 ng gabi.

6-anyos na estudyante, patay matapos sampalin ng guro dahil sa assignment!

Una rito, nagwala at nanggulo umano ang biktima, na lasing noong oras na iyon, sa lugar nang hampasin ang nakaparadang motorsiklo ng suspek.

Ikinairita umano ni Dela Cruz ang ginawa ni Tablizo kaya kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang huli.