Ni: Mary Ann Santiago

Pagkakalooban ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 ng libreng sakay ngayong Linggo, Oktubre 8, ang mga senior citizen, bilang bahagi ng paggunita sa Elderly Filipino Week.

Ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT-1, ang libreng sakay ay maaaring i-avail sa lahat ng 20 istasyon ng LRT-1.

Para magkaroon ng libreng special single journey ticket (SJT), kinakailangan lamang na magprisinta ang mga senior citizen ng kanilang Office for Senior Citizen Affairs (OSCA) ID, o anumang valid na ID na may petsa ng kanilang kapanganakan.

Ang senior citizen naman na may stored value card (SVC) ay maaaring lumapit sa mga on-site teller para sa card activation upang hindi mabawasan ang load ng card.

Politics

‘Culprit din ako do’n!’ Sen. Robin, aminadong siya nag-udyok na magtago si Sen. Bato

Ang unang linggo ng Oktubre ay inilalaan para sa mga senior citizen ng bansa, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470 s-1994.