TINAMAAN ng nag-iisang mananaya mula sa Cavite City ang jackpot ng 6/42 Lotto na binola nitong Huwebes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni Alexander F. Balutan, PCSO general manager, na tinamaan ng hindi na nakikilalang bettor ang six-digit winning combination 09-12-07-21-11-03 para sa kabuuang jackpot prize na P32,359,000.00.

Natayaan ang naturang kombinasyon sa lotto outlet sa Imus, Cavite.

Ayon kay Balutan, may kabuuang 141 bettors ang nagwagi ng tig-P6,850.00 sa nakuhang limang tamang numero.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter