Ni: Bella Gamotea

Patuloy pa rin ang mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa kabila ng pagbawi sa gun ban matapos ipagpaliban ni Pangulong Duterte ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, kinumpirma kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Regional Director Oscar Albayalde, bagamat ipinatigil na ng Philippine National Police (PNP) ang total gun bun ay ipatutupad pa rin ang mahigpit na seguridad sa Metro Manila, kabilang na ang pagsasagawa ng mga checkpoint at kampanya kontra kriminalidad, ngayong nalalapit na ang Christmas season.

Nilinaw ni Albayalde na pareho lamang ang protocol sa regular checkpoint at sa checkpoint na may gun ban maliban lang sa pagsuspinde sa permit to carry firearms.

Eleksyon

Philip Salvador, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya: 'Tuloy ang malasakit!'

Sa datos ng NCRPO, umabot na sa 10 ang nahuli sa checkpoint dahil sa paglabag sa gun ban sa Metro Manila simula nang ipatupad ito nitong Oktubre 1 hanggang kamakalawa.