Ni: Gilbert Espeña

OBLIGADONG maipanalo ni WBA No. 3 Czar Amonsot ng Pilipinas ang laban sa walang talo at knockout artist na si Paraguayan champion Calos Manuel Portillo upang magkaroon ng pagkakataon sa WBA light welterweight title na binakante na ng kampeong si Terence Crawford ng United States.

Minsan pa lamang napalaban si Amonsot sa kampeonatong pandaigdig kung saan tinalo siya sa puntos sa maaksiyong sagupaan ni Aussie boxer Michael Katsidis noong Hulyo 21, 2007 sa Las Vegas, Nevada sa US para sa interim WBA lightweight title.

Mula noong 2007, hindi pa natatalo sa 19 na laban sa Australia ang dating ALA Promotions boxer na si Amonsot na nabahiran lamang ng dalawang tabla at isang no contest sa kanyang huling laban.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

May rekord si Amonsot na 34-3-3 na may 22 pagwawagi sa knockouts at ngayong nabakante ang WBA super lightweight title ay tiyak na mapapasabak siya kay WBA No. 1 Rances Berthelemy ng Cuba na tumalo kamakailan kay WBA No. 2 ranked Kiryl Relikh ng Belarus.

May rekord naman si Portillo na perpektong 18 panalo, 14 sa pamamagitan ng knockouts kaya gustong patulugin si Amonsot para makapasok sa WBA rankings.