Ni: Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac – Pinaniniwalaang hindi na natiis ng isang matandang lalaki ang matinding depresyon sa pagkamatay ng sariling kapatid kaya ipinasya na lamang na magbaril sa sarili sa Purok 2, Barangay Balanoy sa La Paz, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Gulliver Dellosa Guevara, kinilala ang nagpakamatay na si Carlos Ronquillo, 71, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na dinamdam nang husto ni Ronquillo ang pagkamatay ng kanyang kapatid na babae, at sa katunayan ay hindi na nakipaglibing at nagmukmok na lamang sa kanyang kuwarto.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Dakong 10:00 ng umaga nitong Lunes at abala sa paglilinis ng bahay ang mga kaanak ni Ronquillo nang nakarinig sila ng malakas na putok ng baril hanggang madiskubre ang pagpapakamatay ng matanda.