Ni: Noel Ferrer

IKE-CREMATE ngayon ang mga labi ni Javier “Javi” Villareal, anak ng dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Atty. Eugenio “Toto” Villareal na namatay noong Biyernes, 1:45 ng madaling araw. 

Aksidenteng nahulog si Javi sa balkonahe sa Unit 2014 ng Manila Residences Tower II sa unit ng kaibigan niya habang nagkakasayahan sila. 

Miscalculation at pagkawala ng balanse ang nangyari sa 21 year-old na si Javi na estudyante ng College of St. Benilde at residente rin ng naturang condo. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dead on arrival na siya nang dalhin sa pinakamalapit na ospital at sobrang lungkot ng pangyayari dahil nataon pa namang birthday celebration dapat ng mommy niyang si Terry nitong nakaraang weekend. 

“Words cannot express enough our family’s appreciation for all the love you have showered on Javi,” sabi ng dating MTRCB Atty. Toto Villareal. 

Hanggang kagabi na lang ang wake sa Chapel A ng Christ The King Parish, Greenmeadows Avenue, Quezon City at ang inurnment ay gaganapin ngayon pagkatapos ng Misa at commendation. 

Mula sa amin dito sa Balita, ipinaaabot namin ang aming pakikiramay sa pamilya Villareal.