GINAPI ng University of the Philippines ang Ateneo, 3-2, kahapon para makausad sa Final Four ng UAAP Season 80 badminton tournament.

Nagwagi ang tambalan nina CK Clemente at JM Bernardo, gayundin ang duo nina Betong Pineda at Paul Gonzales para makumpleto ang doubles sweep, habang nakuha ni Bernardo ang tanging panalo sa singles event para makopo ng Fighting Maroons ang 4-1 karta sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Nakasama ang UP sa naunang semi-finalist na defending champion National University, nagwagi sa De La Salle, 4-1.

Nahila ng Bulldogs ang winning streak sa lima at nangangailagna lamang ng isang panalo para makumpleto ang sweep sa elimination at angkinin ang awtomatikong slots sa championship.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tatangkain ng NU na makuha ang slots sa best-of-three Finals sa pakikipagtuos sa University of the East sa huling araw ng eliminations sa Huwebes ganap na 8 ng umaga.

Sa women’s division, naungusan ng titleholder UP ang Ateneo, 3-2,para makausad sa Final Four tangan ang 4-0 karta.