Ni: Mary Ann Santiago

Arestado ang isang security guard matapos umanong tangkaing gahasain at patayin ang isang 19-anyos na kolehiyala sa loob ng tinutuluyan nitong dormitoryo sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Umamin sa kanyang kasalanan si Joshua Dale Perez, 21, guwardiya ng isang dormitoryo na matatagpuan sa R. Papa Street, Sampaloc kung saan tumutuloy ang biktima na itinago sa pangalang “Marie”, estudyante ng isang kilalang unibersidad.

Si Marie ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital dahil sa tinamong saksak sa leeg at katawan.

National

Sen. Imee, nakikita na lang si PBBM sa 'public events'

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 4, puwersahang pumasok ang suspek ang kuwarto ng biktima, dakong 1:30 ng madaling araw.

Tinakpan umano ng suspek, gamit ang unan, ang mukha ng natutulog na biktima at tinangkang pagsamantalahan ngunit nakapalag ang huli.

Dahil dito, sinaksak ng suspek ang biktima sa leeg.

Sa pag-aakalang patay na ang biktima, tumakas si Perez ngunit naaresto rin sa follow-up operation at nahaharap na sa kaukulang kaso.