Ni: Orly L. Barcala

Naghihimas ng rehas ang magpinsan nang ipakulong sa umano’y panghahalay sa isang dalaga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kasong rape ang isinampa laban sa mga suspek na sina Abraham Guinto, 19; at Bryan Guinto, 29, ng Guyabano Street, Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, 19, inaya siya ng mga suspek na sumama sa inuman, dakong 7:00 ng gabi.

Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

At dahil kilala nito sina Abraham at Bryan, sumama at nakipag-inuman ang biktima.

Sinamantala ng magpinsan ang kalasingan ng biktima at halinhinan itong hinalay.

Kinabukasan, ipinaaresto ng dalaga sina Abraham at Bryan.