Ni: Beth Camia

May bago nang chairman ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kapalit ni Martin Diño.

Sa inilabas na bagong appointment paper, pinangalanan ng Malacañang si Wilma Eisma bilang chairperson at administrator ng SBMA.

Ibinasura ng Executive Order 42 ni Duterte ang EO 340 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naghihiwalay sa trabaho ng chairman at administrator ng SBMA. Nakasaad dito na ang administrator ng SBMA ay awtomatikong chairman din ng Board of Directors.

Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

Si Diño ang chairman ng SBMA Board habang administrator naman si Eisma na naglikha ng tensiyon at kalituhan sa kung sino ang tunay na mamumuno at masusunod sa ahensiya.