Ni: Marivic Awitan

NASA playoff mode na ang athletic wingman ng Meralco na Chris Newsome sa huling dalawang laro ng Bolts sa eliminations matapos nitong magpamalas ng all-around performance upang pamunuan ang koponan sa pag-angkin ng top seeding para sa PBA Governors’ Cup playoffs.

Batid ang kahalagahan ng nasabing huling dalawang laro, nagposte ang 6-foot-2 na si Newsome ng average na 21 puntos, 5.5 rebounds, 5.5 assists at 1.0 steal na naging susi upang magapi nila ang GlobalPort at ang grand slam-seeking San Miguel Beer para tumapos na may 9-2 record.

Ang 2016 PBA Rookie of the Year ay umiskor ng 28 puntos, 7 rebounds at 5 assists para pangunahan ang Meralco sa 100-93 panalo kontra Batang Pier.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dalawang araw kasunod nito, nagposte naman sya ng 14 puntos, 6 assists at 4 rebounds nang gulantangin ng Meralco ang San Miguel sa pamamagitan ng come-from-behind , 104-101, panalo.

Dahil dito, napili ang 27-anyos na si Newsome bilang PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Setyembre18-24.

Tinalo niya sa parangal sina Star veteran guards Mark Barroca at PJ Simon, Rain or Shine big man Raymond Almazan, at mga kakamping sina Maverick Ahanmisi at Don Trollano.