'THE LOLAS'
'THE LOLAS'

MADALAS nating marinig, laughter is the best medicine. Pero kung ang phenomenal na mga lola ang magbibigay ng gamot na ito, tiyak na lalong mapapabilis ang paggaling sa sakit.  

 

Unang lumabas sa TV screen sina Lola Nidora, Lola Tinidora, at Lola Tidora sa pamamagitan ng Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbidahan ng AlDub o nina Alden Richards at Maine Mendoza. Sa naturang segment sumikat nang husto ang tatlong lolas.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

 

Sina Lola Nidora, Lola Tinidora at Lola Tidora ang naging larawan ng malinis na aliwan at mga katutubong katangian ng mga Pilipino. Nakakapagbahagi sila ng karunungan at aral sa matatanda man o sa kabataan. Dahil mabilis na nakaka-relate sa kanila ang lahat ng mga manonood, lalo na’t mabilis nilang nagagawang katatawanan maging ang pinakamalulungkot na paksa.

Hanggang ngayon, marami ang nakakaalala sa “Babala!” ni Lola Nidora, “Whooo!” ni Lola Tidora at ang kuwelang pagsayaw ni Lola Tinidora ng Mambo No. 5.

 

Ito ang nami-miss ng mga manonood ng Eat Bulaga. Pero dahil sa insistent viewers’ demand, ang tatlong lola ay muling ibinabalik sa telebisyon.

 

Sa kanilang mga kuwelang usapan kasama ang mga sikat na guest celebrities, tiyak na muling mapupuno ng katatawanan ang tanghali sa kanilang bagong talk show.

 

Simula ngayong alas-11:30 ng umaga, araw-araw na silang mapapanood sa The Lolas’ Beautiful Show sa GMA-7.