IDEDEPENSA ng Letran ang hawak na dalawang titulo sa men’s at junior division habang ipagtatanggol naman ng Arellano ang hawak na women’s title sa pagsagupa sa kani-kanilang karibal ngayon sa championship match ng NCAA Season 93 badminton tournament sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City.

Naghahangad ng kanilang ikatlong men’s title, tinalo ng Knights na tumapos lamang na pangatlo sa eliminations ang second seed Lyceum sa semifinals upang muling makabalik sa kampeonato.

Haharapin nila ang topseed San Beda na namayani naman kontra Arellano sa Final Four.

Sa junior division, nakumpleto ng Squires ang 10-game sweep mula sa eliminations kasunod ng 3-0 panalo kontra San Sebastian College sa semis upang muling makasalta ng finals kung saan haharapin nila ang San Beda na nanaig naman kontra CSB-La Salle Greenhills sa semifinals.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sumalta lamang na no. 2 squad sa Final Four round, tinalo ng reigning women’s titlist Arellano Lady Chiefs ang St. Benilde Lady Blazers upang makabalik ng finals.

Makakasagupa nila ang topseed Lyceum na winalis lahat ng pitong laro sa eliminations bago pinadapa ang San Beda sa semis upang maitakda ang ikalawang sunod na taong pagtatapat nila sa kampeonato ng Lady Chiefs.

Lahat ng tatlong laro ay sisimulan ng 11:00 ng umaga. - Marivic Awitan