Ni: Bella Gamotea

Inaalam na ng Taguig City Police ang motibo sa pagpatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang dalaga sa nabanggit na lungsod, nitong Miyerkules ng gabi.

Agad nasawi si Janice Inano, 21, ng Apelo Cruz Street, Philtranco, Pasay City, na nagtamo ng bala sa ulo buhat sa hindi batid na kalibre ng baril.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa Maharlika Road, Barangay Maharlika Village, Taguig City, dakong 6:25 ng gabi.

Pagkukumpuni sa San Juanico Bridge, posibleng pumalo ng ₱500M—OCD

Naglalakad ang biktima sa lugar nang sumulpot ang armadong lalaki at binaril si Inano.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad.