MEG MARIAN AT KIM
MEG MARIAN AT KIM

HINDI pinalampas ng televiewers ang pagsisimula ng klase ni Super Ma'am na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Umaga pa lang kasi, usap-usapan na sa social media ang pagsisimula nito sa GMA Telebabad. Marami ang nagsasabi na swak talaga ito sa panahon ngayon dahil bagay na pampaalis ng stress. Lalong umingay ang Super Ma’am sa social media dahil ayaw magpaawat ng fans ni Marian na i-send ang kanilang congratulatory messages at praises para sa kanilang idolo.

Worth the wait ang paghihintay nila sa pagbabalik ng reyna ng primetime.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Patok din ang live kulitan nina Yan, Kim Domingo at Meg Imperial sa kanilang ArtisTambayan appearance na tinutukan ng kanilang fans at supporters. Maraming sumakit ang tiyan sa kakatawa dahil sa super kulit na barkadahan ng tatlo.

Paano kaya nila mapu-pull off ang mga away at tarayan scenes nila sa exciting na kuwento ng Super Ma’am gayong super bonded naman sila sa personal?