ASHGABAT, Turkmenistan – Nakapasok sa medal standings ang Team Philippines nang ,masungkit ni Marc Alexander Lim ang silver medal sa jiu-jitsu event ng 5th Asian Indoor and Martial Arts Games dito.

Kinapos si Lim kontra Talib Saleh Mohamed Sale Alkirbi ng United Arab Emirates, 2-0, sa men’s ne-waza -69kg division final.

Nauna rito, nagwagi ng awtomatikong bronze medal si Alvin Lobreguito bunsod na kakulangan sa entry sa kanyang weight division sa traditional wrestling.

Inalat si Hansel Terrence Co (men’s ne-waza -69kg) nang madiskwalipika sa laban kontra Saoud Abdulla Yousef Ali ng nited Arab Emirates sa quarterfinals, habang nabigo si Gilbert Ombao (men’s ne-waza -94kg) kay Jonibek Atajanow ng Turkmenistan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi rin pinalad sina Apryl Jessica Eppinger (women’s ne-waza -62kg) kontra Buyandelger Battsogt ng Mongolia, at Lou-Ann Jindani (-70kg), natal okay Onanong Sangsirichok ng Thailand.