Nababahala ang Department of Health (DoH) sa banta ng indoor air pollution sa kanayunan dahil sa paggamit ng uling at kahoy sa pagluluto.

“The use of the charcoal and wood for cooking is one of the concerns due to indoor air pollution,” pahayag ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial, idiniin na ang ganitong pamamaraan ng pagluluto ay popular pa rin sa kanayunan.

Idiniin ng DoH chief na ang madalas na paggamit at pagkahantad sa uling at kahoy na panggatong ay may masamang epekto sa kalusugan, tulad ng chronic obstructive pulmonary disease, stroke, lung cancer, at sakit sa puso.

Kaugnay nito, sinabi ni Ubial na nakikipagtulungan na ang DoH sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibilidad na bigyan ang mga pamilyang benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) program ng LPG o electric stoves. - Charina Clarisse L. Echaluce

Tsika at Intriga

Delikado mga pogi? Migs Bustos dumulog sa NBI, ginamit mukha sa 'love scam'