Ni NITZ MIRALLES

BACK-TO-BACK na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA Telebabad sa pilot ngayong gabi ng Super Ma’am ni Marian at kasunod ang Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong.

Hindi isyu kay Dingdong na ang show ng asawa ng inilagay sa first slot na dating inookupa ng kanyang action series.

Saka mas bagay sa first time slot ng GMA Telebabad ang Super Ma’am dahil talagang pambata ang story. Maaaliw ang mga bagets na may kahalong fantasy at action ang series.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Marian Rivera
Marian Rivera
Sabi nga ni Dingdong, “It’s been awhile na nakita ko siya sa TV and I’m happy na magbabalik siya ngayon. This time it’s much better dahil magkasama pa kami sa block,” pahayag ni Dingdong sa isang interview.

Anyway, parehong ayaw ng negative vibes nina Dingdong at Marian sa kani-kanyang shows. Hindi na sinagot ng aktor ang mga tanong tungkol diumano’y pagseselos ni Marian sa isa sa leading lady niya sa Alyas Robin Hood 2 na si Andrea Torres.

“Nasagot na nila (Marian at Andrea) ang tungkol d’yan. Nasabi na nila ang dapat sabihin at nasagot ang dapat sagutin, ‘wag na nating balikan pa,” pakiusap niya.

Gan’un din ang ginawa ni Marian sa presscon ng Super Ma’am, hindi na in-entertain ang mga tanong tungkol sa isyu sa kanila ni Andrea at ang hindi matapus-tapos na isyu sa kanila ni Heart Evangelista. Ang fans na lang ang nagpapahaba sa isyu na gusto nang kalimutan ng mga taong involved. Uso ang move on, guys!

After Cebu, sa Puerto Princesa naman sunod na pupunta si Marian at ibang cast ng Super Ma’am para i-promote ang fantasy-action series. Sa September 21 ang dating nina Marian sa hindi pa sinasabing mall.

Ka-back-to-back-to-back nina Marian at Dingdong ang My Korean Jagiya ni Heart na ibang saya at kilig naman ang bigay sa televiewers. Mala-Kdrama naman ang hatid na kilig nina Heart at Alexander Lee.