NI: Bert De Guzman

WALANG naging balakid sa pagsang-ayon ng Kamara para sa P280 milyon budget ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2018.

Tinapos ng Kamara ang plenary interpellation sa 2018 budgets ng ilang ahensiya ng gobyerno, kabilang na sa PSC na walang lubhang pagtatanong.

Dahil wala nang nagtanong pa sa plenaryo tungkol sa mga detalye ng budget ng mga departamento at ahensiya, tinapos ni Rep. Mark Aaron Sambar, ng Party-list PBA, chairman ng komite, ang pagtalakay at pagtatalo.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Sinabi ni Rep. Joselito Atienza (Party-list, Buhay) na kakayanin ng Kamara kung nais ng PSC na dagdagan ang kanilang budget , higit at kailangan maghanda para sa venues at accommodation para sa hosting ng Southeast Asian Games.

Ayon kay Atienza, handa ang Kamara na bigyan ng mas malaking pondo ang PSC upang mas maging kompetitibo ang atletang Pinoy sa international meet.

Nitong Agosto, umuwing luhaan ang Team Philippines nang manatiling nasa ika-anim na puwesto sa overall standings, tangan ang mababang 24 gintong medalya.