Ni: Fer Taboy

Limang drug personality ang napatay at 12 iba pa ang naaresto sa inilatag One Time, Big Time operation ng pulisya sa Bulacan.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador Corpus at kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Ben Diesel”, alyas “Ode”, Ronnie “Tingki” Aporto, Mark Anthony “Dupang” Cruz, at isa pang hindi nakilalang lalaki.

Naaresto naman ang ilang umano’y sangkot sa ilegal na droga na kinilalang sina Julieta Bisa, Eduardo Nabong, Jordan Maningas, Levi Casauay, Kenneth Pelin, Emmanuel Parungao, Rolando Patropez Jr., Monalyn Nabong, Roderick Lazaro, Renato Javier, Harold De Leon, at Lauro Eusebio, ng Barangay Tibag, Pulilan, Bulacan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Nakasamsam umano ang pulisya mula sa mga suspek ng 58 plastic sachet ng shabu, ilang pakete ng marijuana, iba’t ibang kalibre ng baril, drug paraphernalia, at marked money.

Kinasuhan ang mga inaresto ng pag-iingat ng ilegal na droga, alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).