Ni: Fer Taboy

Agaw-buhay sa ospital ang isang tatlong taong gulang na lalaki makaraang ihampas sa sahig ng kanyang lasing na ama dahil sa matinding selos sa misis nito sa Ilocos Sur.

Kinilala ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISOPO) ang suspek na si Jonathan Villanueva, 31, construction worker at residente ng Barangay San Julian, Vigan City.

Ayon sa pulisya, nasa intensive care unit (ICU) ang bata matapos siyang ibalibag sa sahig ng ama at mapuruhan sa ulo makaraang mag-away ang mag-asawa dahil sa selos.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Vigan City Police, nag-away ang mag-asawa makaraang hindi pumayag ang mister na lumabas ang misis upang makipaglamay sa kapitbahay at inakusahang may kalaguyo.