PARIS (AFP) – Sinabi ni Morocco Prince Moulay Hicham, pinsan ni King Mohammed VI, nitong Sabado na kaagad siyang pinalayas ng Tunisia sa kanyang pagdating para dumalo sa academic conference.

‘’Policemen came to my hotel shortly after my arrival yesterday (Biyernes) and I was taken to the airport,’’ sabi ng prinsipe sa AFP.

Si Moulay Hicham, naninirahan sa United States, ay bumiyahe sa Tunisia para sa kumperensiya na inorganisa ng Stanford University para sa political transition sa Tunisia matapos ang rebolusyon ng Arab Spring noong 2011.

Idinagdag niya na ‘’respectful and professional’’ naman ang pagtrato sa kanya at pinasakay siya sa isang Air France flight patungong Paris.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Wala pang komento ang interior ministry sa Tunis.