Sloane Stephens, of the United States, right, shakes hands with Venus Williams, of the United States, after winning their semifinal match of the U.S. Open tennis tournament, Thursday, Sept. 7, 2017, in New York. (AP Photo/Adam Hunger)

NEW YORK (AP) — Dumaan sa butas ng karayom si Sloane Stephens para magapi si Venus Williams sa U.S. Open semifinal. Sa hiwalay na Final Four duel, naging magaan ang arya ni Madison Keys kontra kay CoCo Vandeweghe.

Kapwa Americans at parehong nasa edad na 20, magtutuos sina Stephens at Keys para sa kanilang unang career Grand Slam title sa kauna-unahang all-American women’s final sa Flushing Meadows mula noong 2002.

Kinailangan ni Stephens ang higit na lakas at tikas para maisalba ang pahirapang laban tungo sa 6-1, 0-6, 7-5 panalo kontra sa seven-time Grand Slam champion nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I have a lot of grit,” sambit ng unseeded na si Stephens, ranked 83rd at ikapaat na unseeded player sa kasaysayan ng Open era na umabot sa finals.

“I don’t give up. Like, I’m not just going to give it to someone. I’m not just going to let them take it from me,” aniya.

Nanganilangan lamang ang 15th-seeded na si Keys ng mahigit lamang isang oras para idispatsa ang No. 20 na si Vandeweghe.

“I think I played pretty well tonight,” sambit ni Keys.

Naitala sa kasaysayan ang Final Four na kauna-unahan sa US Open sa nakalipas na 36 taon na apat na American ang nagkaharap sa semifinals ng women’s single event sa Arthur Ashe Stadium.

Sa edad na 37, si Williams ang pinakamatanda na umabot sa Final Four. Nagdebut sa US Open si Williams noong 1997. Ang nakaharap niyang si Stephens ay 24-anyos lamang.

“I’m honestly just honored to be able to play at the same time as her, one of the greatest ever to play our game,” sambit ni Stephens, nakiisa sa crowd sa pagbibigay parangal kay Williams.