Ni: Fer Taboy

Kinumpirma kahapon ng 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army na umabot na sa 50 ang nasawing miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at 21 naman sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isang-buwang pagtugis sa mga terorista sa Maguindanao.

Nagsagawa ng air to ground assault ang militar laban sa grupo ni Esmail Abdulmalik, alyas Kumander Abo Toraifie, ng BIFF sa mga barangay ng Tee, Sambulawan, at Andavit sa Datu Salibo, Maguindanao habang tumulong naman ang MILF Task Force Ittihad sa pagtugis sa mga terorista sa SPMS Box.

Ayon sa ulat, nasugatan si Abdulmalik, at dumaranas na rin ng pagkagutom ang grupo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog