Ni: Kate Louise Javier

Dinukot ng mga hindi pa nakikilalang armado ang 58-anyos na ina ng isang Public Attorney’s Office (PAO) lawyer sa tapat mismo ng kanilang bahay sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Police Senior Inspector Efren Tating, dinukot si Merlina Gamiao, 58, negosyante, sa tapat ng kanyang bahay sa Block 2 Lot 1 Phase 2, Tierra Nova, Barangay 171, Bagumbong, Caloocan Cityaround, dakong 6:30 ng gabi.

Sa salaysay sa mga imbestigador ni Atty. Leo Anthony Gamiao, 28, PAO lawyer, narinig niya ang sigaw ng kanyang ina habang siya ay nasa loob ng kanilang bahay.

Politics

Sen. Imee, ikinokonsidera daw maging Senate President?

Nang silipin, nakita umano ni Leo ang kanyang ina na sapilitang kinukuha ng nasa limang armado kaya agad siyang, at ang kanyang ama, lumabas ng bahay upang bawiin ang kanyang ina.

Base sa report, nagpaputok ng baril ang mga hindi pa nakikilalang suspek, kaya napaatras ang mag-ama ng biktima.

Agad humarurot, sakay sa Toyota Grandia (YU 7692), ang mga suspek kasama ang biktima.

Inaalam na ng awtoridad kung mayroong closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar.