NI: Marivic Awitan

MAAGANG nagparamdam ang mga defending men’s at junior champions Letran at women’s titlist Arellano University matapos magsalansan ng panalo sa unang dalawang araw ng NCAA Season 93 badminton championships na ginaganap sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City.

Nangunguna sa men’s division taglay ang tatlong panalo ang Red Lions makaraang manaig kontra season host San Sebastian College, Jose Rizal University at University of Perpetual.

Kasalo nila ang San Beda sa pangingibabaw kasunod ng tatlo ring panalo kontra Mapua University, Arellano at Lyceum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May tatlo na ring panalo ang Lady Chiefs sa women’s division matapos mamayani kontra Lyceum, Emilio Aguinaldo College at Letran.

Tabla sila ng Lyceum na nagwagi naman sa Mapua, Letran at St. Benilde.

Sa juniors division, may apat namang panalo ang Letran Squires kasalo ng San Beda habang kasunod nila ang Mapua at San Sebastian na kapwa may kartadang 3-1.