Ipinadala ng Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG) ang 1,000 M40 field protective masks at C2 filter canisters sa Philippine Navy (PN), sa pamamagitan ng Mutual Logistics Support Agreement (MLSA), nitong Agosto 30-31, ayon sa US Embassy sa Manila.
Sa nagpapatuloy na bakbakan sa Mindanao, hiniling ng PN ang mga nasabing gas masks para mas paghandaan ang pagresponde sa anumang bantang kemikal.
“This transfer is part of a series of ongoing transfers from the U.S. military to multiple branches of the Armed Forces of the Philippines (AFP) through both MLSA and the security assistance program,” ayon sa embahada. - Bella Gamotea