Ni: Bella Gamotea

Namatay sa pagkalason ang isang batang babae nang makainom ng silver cleaner sa Muntinlupa City kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Asian Hospital si Clydineyve Dahan y Formentos, 1, ng Crispin Street, Sitio Rizal, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Dahan, bandang 11:15 ng umaga.

Base sa salaysay ni Ace Dahan y Biol, ama ng biktima, nagluluto siya habang abala naman sa paglalaro ang kanyang anak.

National

OVP, nakapag-tree planting nitong 2026 kahit walang confidential funds

Hindi umano niya napansin na nabuksan ng kanyang anak ang bote ng silver cleaner hanggang sa nakitang namumutla at bumubula ang bibig ng biktima.