Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

12 n.t. -- St. Pedro Poveda vs St. Jude College

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

1:30 n.h. -- De La Salle Zobel vs St. Paul-Pasig

3 n.h. -- University of Makati vs CEU

SISIMULAN ng reigning titlist Centro Escolar University ang kampanya para sa target na ikapitong sunod na seniors crown sa pakikipagtuos sa baguhang University of Makati sa tampok na laro ng nakatakdang triple-header sa pagbubukas ngayong hapon ng 48th WNCAA sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ganap na 3:00 ng hapon ang salpukan ng dalawang koponan sa seniors division kasunod ng unang dalawang laro sa juniors at midgets division kung saan magtutuos ang season host St. Pedro Poveda College kontra St. Jude College sa juniors division ganap na 12:00 ng tanghali at De La Salle Zobel kontra St. Paul - Pasig sa midgets division ganap na 1:30 ng hapon.

Bago pa man ang nabanggit na basketball games, magkakaroon ng makulay na opening rites na tatampukan ng isang palabas na iinog sa tema ng selebrasyon ngayong taon na ‘Courage without Limits’.

Magsisilbi namang panauhing pandangal at tagapagsalita para sa programa na inihanda ng host St.Pedro Poveda ang isang dating WNCAA star at alumnae ng SPPC.

Tulad ng CEU,ang DLSZ naman ang defending midgets champion sa nakalipas na apat na taon.

Bukod sa basketball, ang CEU ang reigning overall champion sa seniors division.