June 03, 2026

Home BALITA Probinsya

Nasawi sa gumuhong gusali sa Pampanga, pumalo na sa 23!

Nasawi sa gumuhong gusali sa Pampanga, pumalo na sa 23!
Photo courtesy: Bureau of Fire Protection Central Luzon/FB


Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon nitong Miyerkules ng umaga, Hunyo 3, na umabot na sa 23 ang mga nasawing biktima ng gumuhong gusali sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa BFP, isinagawa ng unified command ang extrication ng naturang casualty nito lamang 9:12 ng umaga.

Sa parehong operasyon, matagumpay din ang isinagawang extrication sa ika-22 biktima ng pagguho bandang 7:21 ng umaga.

Noon namang Martes ng gabi, Hunyo 2, nahukay ng rescuers ang pinaniniwalang sanggol na biktima rin ng pagguho—na siyang ika-21 casualty ng insidente.

MAKI-BALITA: Sanggol, ika-21 biktima sa gumuhong estruktura sa Pampanga!-Balita

Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga awtoridad hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaang naganap ang malagim na pagguho ng nasabing building noong Linggo ng madaling-araw, Mayo 24.