July 18, 2026

Home BALITA Metro

Libreng ‘no-scalpel vasectomy,’ isasagawa sa UP ngayong Hunyo

Libreng ‘no-scalpel vasectomy,’ isasagawa sa UP ngayong Hunyo
Photo courtesy: University of the Philippines/FB


Inanunsyo ng University of the Philippines Center for Women’s and Gender Studies (UPCWGS) na mayroong libreng “no-scalpel” vasectomy contraception na gaganapin sa pamantasan sa darating na Martes, Hunyo 9, 2026.

Ayon sa impormasyong inilatag ng UPCWGS kamakailan, ang inisyatibong ito ay ikakasa sa pagitan ng unibersidad at ng nonprofit organization (NGO) na DKT Philippines Foundation.

Batay pa sa anunsyo, 15 kliyente lamang ang i-aaccomodate ng nasabing programa.

Ano nga ba ang vasectomy?

Paliwanag ng UPCWGS, ang vasectomy ay ang pagtatali at pagpuputol ng daanan ng punlay upang maiwasang humalo ang “sperm” sa semilya.

Metro

Traffic enforcer na nag-counterflow sa EDSA bus lane, suspendido lisensya!

Sa paraang ito, may kakayahan pa ring maglabas ng semilya ang lalaki ngunit wala na itong kakayahang makabuntis.

Anila pa, ang vasectomy ay isang simple, ligtas, at mabisang Family Planning Method.