BUKOD sa kakulitan ni Heart Evangelista as Gia, maraming K-Drama addict ang hindi makabitaw sa kuwento ng My Korean Jagiya dahil sa kahusayan sa pag-arte ni Alexander Lee bilang Jun Ho.

Puring-puri siya ng mga manonood dahil kahit saan daw siya ilagay — pag-iyak, pagpapatawa o kahit pagdidisiplina sa anak-anakan niyang si Pao, nakakadala ang performance niya.

Kaya hooked na hooked ang viewers sa kilig series ng Siyete. Katunayan, marami sa kanila ang nanonood nang paulit-ulitin sa YouTube ng highlights ng episode every night.

Walang kaduda-duda, kinain na talaga ng sistema ang viewers dahil sa galing ng Kapuso.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach