Ni: Light A. Nolasco

BALER, Aurora – Natunton ang isang 50-anyos na lalaki sa Aurora Provincial Jail ng kapatid niyang nakatira sa Barangay Tamaon, Real, Quezon nitong Biyernes, makaraang makita sa Facebook ang panawagan ng una.

Ayon kay Julius Baduria, halos pitong taon niyang hinahanap ang kapatid na si Antonio Baduria hanggang sa nakita niya nitong Linggo sa isang Facebook page ang panawagan ng kapatid.

Kaagad na nagtungo si Julius sa Aurora Provincial Jail para kumpirmahan kung ang kapatid nga ang nakita sa Facebook, at muli silang nagkasama.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Nakulong si Antonio dahil sa illegal logging noong Agosto 20, 2016, sa bayan ng Maria Aurora.