NEW YORK — Kung may pagkakataon na magkaharap sina Roger Federer at Rafael Nadal sa US Open sa unang pagkakataon, possible itong maganap sa semifinals.

Napabilang sina Federer at Nadal sa magkahiwalay na grupo nitong Biyernes (Sabado sa Manila) at kung papalarin, magsasanga ang kanilang landas sa Final Four.

Top seeded si Nadal sa Flushing Meadows sa unang pagkakataon mula noong 2010 matapos makabalik sa No.1 ranking sa ATP. Seeded No.3 naman si Federer. Nagtagpo ang dalawa sa 37 head-to-head duel kabilang ang 12 major tournament, ngunit hindi pa sila naglalaban sa Finals sa Flushing Meadows.

Posible naming magtuos sa kabilang semifinals sina No. 2 Andy Murray at No. 4 Alexander Zverev.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magsisimula ang US Open sa Lunes (Martes sa Manila).