Ni: Liezle Basa Iñigo
Huli sa entrapment operation ang isang lalaki matapos makipagkita sa babaeng kanyang ninakawan ng cellphone para makipagtalik, kapalit ng pagbabalik ng nasabing gamit, sa isang hotel sa District 1, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ng Cauayan City Police ang suspek na si Mark Angelo Isidro, 22, ng Barangay Minante 1, Cauayan City, na kakasuhan ng grave coercion.
Una rito, ninakaw ng suspek ang Firefly cell phone ni Jeaneza Zurilla, 20, waitress, ng Bgy. San Fermin, Cauayan City.
Agosto 21 nang ipinaalam ng suspek sa biktima na nasa kanya ang cell phone nito at kailangan nitong makipagtalik sa suspek para maibalik ang cell phone ng biktima.
Naaresto ang suspek matapos abangan at hulihin ng pulisya sa hotel na itinakda nitong puntahan ng biktima.