Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.g. -- Phoenix vs TNT

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

7 n.g. – SMB vs Globalport

MAKASALO ng Barangay Ginebra sa ikatlong puwesto ang tatangkain ng San Miguel Beer sa nakatakdang pagsagupa sa Globalport sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Pupuntiryahin ng Beermen ang ikatlong tagumpay sa pang-apat nilang laban ngayong 7:00 ng gabi kontra Batang Pier na nagtataglay naman ng patas na markang 2-2, katabla ng TNT Katropa na sasabak sa unang laban kontra Phoenix ganap na 4:15 ng hapon.

Tatangkain din ng Beermen na makabangon sa unang kabiguang nalasap sa kamay ng league leader Star noong Agosto 4 sa iskor na 98-104 na pumutol sa nasimulan nilang dalawang dikit na panalo.

Para sa Batang Pier, target nilang maitala ang unang back -to-back wins ngayong conference kasunod ng huling naitalang panalo kontra Kia Picanto noong nakaraang Linggo, 102-90.

Mauuna rito, mag-uunahang makabalik sa winning track ang Phoenix at ang TNT Katropa sa pambungad na laro .

Inilampaso ng Rain or Shine ang Katropa noong nakaraang Linggo, 103-75; habang magpipilit namang makabangon ang Fuel Masters sa kinasadlakang four-game losing skid, pinakahuli noon lamang nakaraang Miyerkules sa kamay ng Hotshots, 81-100.