Ni: Rommel P. Tabbad
Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Catanduanes.
Sa weather advisory ng PAGASA, malaki ang tsansa na maging bagyo ang LPA na huling namataan sa layong 565 kilometro ng silangan-hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, kapag tuluyang naging bagyo, paiigtingin nito ang habagat na magpapaulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at tatawagin itong ‘Jolina’.