ni Gilbert Espeña

NAPABAGSAK ni Filipino Raymond Tabugon si WBA No. 10 bantamweight Andrew Moloney sa 3rd round pero nakarekober ang Australian upang mapatigil sa 4th round ang Pinoy boxer kahapon sa Melbourne, Victoria, Australia.

Ilang nakasaksi ang nagsabing hindi dapat itinigil ang laban dahil kumakasa pa si Tabugon pero nagpasiya si Aussie referee Ignatius Missailidis na ibigay ang panalo sa kanyang kababayan.

Sa iba pang laban, tinalo WBA No. 8 super bantamweight Jason Moloney sa puntos si Filipino Lolito Sonsona sa mga iskor na 100-90, 99-91 at 100-90 na waring hindi sumusuntok ang Pinoy boxer.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

“Andrew Moloney certainly lived up to his new nickname as ‘The Monster’ as he bullied Tabugon around the ring in that 4th round and battered him in his own corner until he wilted into submission in the 4th round to score a TKO win. Tremendous display of power boxing by Moloney who showed toughness after going down in the 3rd round from a left hook,” sabi ng ringside commentator Peter Maniatis sa Fightnews.com..

“Jason Moloney looked world class tonight over a gallant and tough Lolita Sonsona who previously had only lost one fight. Jason punched hard to the body and head and only lost one round he was super impressive,” dagdag ni Maniatis.