ni Nitz Miralles

KASAMA sa cast ng My Korean Jagiya si Iya Villania at ginagampanan niya ang role ni Kennedy Santos, ang perky and cheerful best friend ni Gia (Heart Evangelista).

Sabi ni Iya, may similarity ang role niya sa first-ever Korean-Pinoy serye sa Because of You, best friend ng bida.

Iya Villania
Iya Villania
“Dito, si Heart ang best friend ko, sa Because Of You, si Carla Abellana ang best friend ko. Ang kaibahan lang, palaban siyang best friend ni Gia dito at straightforward. Sa Because of You, sumusuporta lang ako kay Carla. Pareho namang enjoy ang dalawang roles ko,” kuwento ni Iya nang makausap namin sa press launch ng bagong serye ng Kapuso Network.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kasama si Iya sa nag-taping sa Korea at nag-enjoy siya. Kaya lang, hindi niya maalala ang video na habang namamasyal sila ni Heart sa Korea, may dalawang guys na lumapit sa kanya at nagpa-picture. Pumayag magpa-picture si Iya sa dalawang guys na panay ang pasasalamat sa kanya.

Natuwa kami sa inamin ni Iya na hindi pa siya tuluyang kinain ng sistema (kasabihan ng mga naadik sa K-drama, K-pop at Korean stars). Kailangan yata kuwentuhan siya ni Janice de Belen na adik sa anything Korean para makain na rin siya ng sistema.

Bukas, Lunes, August 21, ang premiere telecast ng My Korean Jagiya sa direction ni Mark Reyes. Nararamdaman ni Iya ang mainit na pagtanggap ng Kapuso viewers sa show at tiniyak niya na magugustuhan talaga ng televiewers ang show na may kasamang apat na Korean stars sa cast.