BARCELONA (Reuters) – Maaaring buhay pa ang driver ng van na nanagasa sa Barcelona, na kumitil ng 13 katao, ayon sa Spanish police nitong Biyernes, at itinanggi ang inilabas na balita ng media na nabaril ang suspek sa resort malapit sa dagat sa Catalan.

Ayon kay Josep Lluis Trapero, hepe ng pulisya sa hilaga-silangang rehiyon ng Catalonia, hindi niya makukumpirma kung isa ang driver sa limang napatay na suspek.

Inabandona ng driver ang van at tumakas nitong Huwebes matapos sagasaan ang isang bahagi ng Las Ramblas, ang pinakapopular na kalye sa Barcelona, na ikinamatay ng ilang katao at ikinasugat ng mga turista, lokal na residente na pawang naglalakad sa kalye.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na