Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglaya ng 78 Pilipino na nadetina at ilegal na nagtatrabaho at nananatili sa scam centers Myanmar.
Batay sa pahayag ng DFA noong Sabado, Abril 18, ang mga nasabing Pinoy ay na-detain umano’y sa scam centers dahil sa kanilang ilegal na pagpasok at paninirahan sa Myanmar.
“All the Filipinos were trafficked for employment in scam centers in Myanmar and had been serving sentences for illegal entry and residency,” saad ng DFA.
Sa kasalukuyan, isinasaayos na ng embahada ng Pilipinas sa Yangon ang mabilis na repatriation ng 78 Pinoy, katulong ang mga awtoridad sa Myanmar.
“The Philippine Embassy in Yangon is currently facilitating the prompt, safe and orderly repatriation of the 78 Filipinos to the Philippines, in coordination with Myanmar authorities,” ayon pa sa DFA.
Tinitiyak rin ng DFA na katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW), patuloy nilang pinagtitibay ang kanilang polisiya upang maprotektahan ang mga Pinoy na nasa abroad.
Anila pa, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang maimbestigahan ang illegal recruiters na nang-aabuso sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa ibang bansa.
“The Department reaffirms its foreign policy pillar of protecting Filipino nationals overseas, in collaboration with the Department of Migrant Workers, and will continue to work with relevant law enforcement agencies toward the prosecution of illegal recruiters of Filipinos trafficked for illegal jobs abroad,” pagtitiyak ng DFA.