Ni: Liezle Basa Iñigo

ROSALES,Pangasinan - Isang chief tanod ang nakipaglaban kay Kamatayan matapos siyang pagtulungang saksakin ng mga nirespondehan niya sa panggugulo sa Barangay Rizal sa Rosales, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Samson Montoya, 47, chief tanod sa Bgy. Rizal, na umano’y pinagsasaksak nina Orlando Forten, 51; Joseph Forten, 27; Moris Forten, 25; at Melvin Meñano, pawang residente sa nabanggit na lugar.

Dakong 9:30 ng gabi nitong Huwebes nang salubungin si Montoya ng saksak ng mga suspek nang rumesponde siya sa insidente ng pamamato ng bahay.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay