NI: Orly L. Barcala

Napuno ng mga usisero’t usisera ang kalsada sa isang barangay sa Valenzuela City, nang magbabaan sa kani-kanilang sasakyan ang 25 tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsalakay sa hinihinalang drug den sa nasabing lungsod, nitong Miyerkules ng gabi.

Base sa report, sinalakay ng PDEA operatives ang umano’y drug den, na pag-aari ng isa umanong tulak ng ilegal na droga na si Judith Aldas, sa San Gregorio Street, Barangay Gen. T. De Leon, bandang 6:30 ng gabi.

Sa nasabing operasyon, nakatakas si Judith ngunit 11 katao ang dinakma sa loob ng kanyang bahay na pawang nahuli sa aktong bumabatak.

Balut Island, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Kinilala ang ilan sa mga inaresto na sina Rommel Espaldon, Nestor Aldas, Ariel Samudio, Joey Austria, pawang ng San Gregorio St., at nasa drug watch list.

Narekober sa pinangyarihan ang apat na pakete ng umano’y shabu at iba pang drug paraphernalia.